INA

Song

INA

Jennelyn Cercado · 1 play

female vocals, soft female singer, acoustic, emotional, heartfelt, tagalog folk, gentle guitar

Lyrics

Verse

Nung una mong nalaman na ikaw ay magiging Nanay,

Ibat ibang emosyon ang iyong naramdaman.

Kaba,takot, tuwa, minsan pa ay alinlangan.

Hindi alam, ito ba ay kabigatan?

Verse

Ikaw ay naglihi, nagsuka, nahilo, nagsungit.

Minsan naman sa asawa ay nagagalit.

Ngunit sa bawat tibok at sipa na sa iyo ay gumigising,

Ikaw ay nasasabik sa munting anghel na masilayan at makapiling.

Chorus

Siyam na buwan mong hinintay, nakaranas ng sakit, kirot, at paghihirap...

Ngunit sa paglabas niya narinig ang munting pag-iyak.

Lahat ng hirap ay napawi nang ilagay sya sa iyong dibdib.

Nasilayan ang kanyang maamong mukha.

Isang magandang likha mula sa Diyos na Dakila.

Verse

Naranasan ang #buhaynanay,

Kulang sa tulog, wala sa oras na pagkain.

Malamig na kape, di makasuklay at minsan 'di makaligo...

Ngunit kapalit nito'y matamis na ngiti, halik, at yakap na nagbibigay kalakasan sa bawat oras at sandali.

Verse

Lumilipas ang araw ngunit parang gusto mo itong pigilan ,

Dahil sa kanilang paglaki iba't ibang emosyon muli ang sa iyo'y namumutawi.

Kaba, takot, minsan ay alinlangan...

Dahil sa mundong kanilang ginagalawan.

Chorus

Ina, Nanay, Mama, o ano pa man ang tawag sa iyo,

Palagi kang nandyan para sa kapakanan

ng anak mo.

Walang katumbas ang pagmamahal at iyong paggabay...

Sa kanilang tabi palagi nakaalalay .

Outro

Salamat sa iyo katulad ko na isang Ina

na hindi maikukubli ang wagas na pagsinta.

Remix this song

INA

More songs

View all