
Song
Hanggang Kailan
Larentia Milan · 1 play
inspirational, prayer-like, heartfelt, emotional, Tagalog lyrics, hope, forgiveness, resilience
Lyrics
Verse
Gabing tila hindi ko na namamalayan... Umagang kusa na lang dumaraan... Gutom na hindi ko maramdaman...
Sakit sa kaibuturan ang tamgi kong nararamdaman...
Verse
Katawang hindi na maoalaya
Isipang ayaw pang magsawa
Matang natuyoan na ng mga luha
Mga labing walang masabi kahit isang salita...
Verse
Nakaraan na dulot ay pagdurusa
Kasalukuyang hindi na makita
Kinabukasang takot ang dala
Buhay ay wala na yatang pag-asa
Verse
Sa pagkakamaling tila nakabigkis
Bilanggo ng kahinaan at pagmakasarili
Hindi makalaban laging puno ng hinagpis
At pagkatapos saka lang magsisisi.
Pre-chorus
Hanggang kailan ka babaling sa iyong kahinaan
Hanggang kailan ka tatangap ng pagyural sa iyong katauhan
Hanggang kailan
Hanggang pagakakataon mo ay maubusan
Chorus
Kung kailan ba wala ka ng matatakbuhan
Kapag ikaw ay nagiisa na lang sa kadiliman...
Verse
Huwag kang masanay na laging sa susunod na bukas ka pa lalaban
Pilitin mong tiisin lahat ng pait ng pagdurusa at kahirapan
Laging alalahanin na may Diyos na hindi ka pa pababayaan
Verse
Subukan mong piliin ang tama
Pagbuksan mo ang iyong puso at magtiwala
Matutong makalimot at magpatwad sa kanilang nagawa
Hayaan mo ang tadhana
Sa Kanya lahat ay iyong ipaubaya.. .









