Patawad Sa'Yo

Song

Patawad Sa'Yo

Larentia Milan · 2 plays

male vocals, sad, inspirational, heartfelt, emotional, love, apology, reconciliation

Lyrics

Verse

Aking mahal ikaw ang mundo ko dahil bago ko makilala ang tulad mo hindi ko alam kung paano ang maging isang buo.

Lahat ng dahilan ko kung paano ngumiti kung paano lumuha kung paano makalipad at kung paano bumagsak kung paano maging matapang paano matakot paano matalo kung paano ang manalo kung paano magtiwala at kung paano mabigo lahat yun sa nagiisang pangalan mo mahal ko...

Pre-chorus

Patawad kung napilit kita patawad kung hindi ako naging sapat patawad kung hindi ako makakapantay sa lahat ng bumubuo sayo patawad kung nabago ko ang bukas mo...

Verse

Ngayon pagkatapos kong magising pareho na tayong bilanggo at sana tulungan mo akong palayain ka tulungan mo akong piliin ang tama tulungan mo along muling magtiwala para maharap ko ang bukas kahit hindi ako sigurado kung hanggang saan na lang tayo aabot pa kung muli pa rin ba akong luluha o makaya ko pa ang tumawa dahil nakasalalay ang kinabukasan ng mga munting bunga ng ating mahigit pa sa dekadang pagsasama...

Chorus

Iparamdam mo sa pamamagitan ng init ng iyong yakap kung kaya pa, ibulong mo sa hangin kung may pag-asa pa,

ipagtapat mg iyong puso kung imposible na bang magsimula muli at kailangan ko nang sumuko...

Bridge

Bago ako magsimulang tumayo... Ihanda mo na kung kailangan kong kumapit na lang sa sarili ko at hindi na umasa pa sayo.

Hayaan mong patunayan ko sayo na sa paglaya mo liligaya din ako dahil ako ang naging nakaraan mo at ako din ang magtatapos para magkaroon ka ng panibagong simula.

Remix this song

Patawad Sa'Yo

More songs

View all